Martes, Enero 29, 2013

TALAARAWAN


Enero 14 ’13:
Si Mam Mixto na ang angturo sa amin ngayon. Kumpleto na ang mga guro namin sa ibat ibang asignatura. Ang ginawa namin sa Filipino ay inulit namin ang pagtatama sa aming markahang pagsusulit.
Enero 15 ’13:
Sinimulan na ng mga guro ang pagtuturo para sa Ikaapat na Markahan. Pero sa Math ay ‘yun pa rin ang aming paksa. Sa Filipino naman ay binasa na namin ang akdang Ang Pamana- isang tulang pandamdamin.
Enero 16 ’13:
Nagkaroon kami ng unang pangkatang gawain ngayon sa Filipino. At ang napuntang gawain sa amin ay gumuhit ng naglalarawan sa kabuuang kaisipan ng akda at ang ginuhit namin ay basag na bumbilya at malungkot na mukha sa loob.
Enero 17 ’13:
Hindi ako nakapabreak kanina dahil tinapos ko ‘yung card na pinapagawa sa amin ni Mam. Naglalaman ito ng saloobin/gusto naming sabihin sa aming mga magulang matapos naming matalakay ang akda.
Bago ako umuwi ay nagcomputer muna ako. Ginawa ko kasi ang takdang aralin ko sa English.
Enero 18 ’13:
Wala si Mam San Jose ngayon kasi laban nila para sa MTAP. Nagbago-bago ang schedule gayunpaman nagkaroon pa rin kami ng magandang talakayan sa ibang asignatura. Sa Filipino ay gumawa kami ng tig-iisang saknong para sa pangkatan namin at isusulat ito sa Cartolina
Enero 19 ’13:
Hindi ko napigilang kabahan ng umalis na si mama papuntang paaralan upang kumuha ng aming card.
Wala si mama kaya kami ang naglaba ng uniporme namin.
Pagdating ni mama at binalita na nya kung anong Top ko ay laking tuwa ko dahil mula Top9 ay nagging Top3 na ko ngayon.
Enero 20 ’13:
Linggo araw ng pahinga. Maghapon lang akong natulog at nanood. Pero ako ang naghugas ng pinggan kanina.
Enero 21 ’13:
Sinimulan na naming basahin ang kwentong Banyaga. Nagalit si Man dahil walang sumasagot sa mga katanungan nya kaya nama’y binigyan nya kami ng pagsusulit.
Enero 22 ’13:
Walang gurong absent samin ngayong araw. Sa akdang Banyaga pa rin kami sa Filipino at nag-iwan ng takdang aralin si Mam at ito ay alamin ang Teoryang nakapaloob sa akda.
Enero 23 ’13:
Ang sagot sa takdang aralin naming a kahapon ay Teoryang Feminismo. Kaya naman kanina ay tinalakay sa amin ito ni Mam at pinapadala kami ng larawan ng kababaihang nagtagumpay.
Enero 24 ’13:
Pagkatapos ni Man ilarawan ang mga larawan ng mga kababaihang pinaskil nya sa harapan ay pinagawa nya kami ng isang sanaysay tungkol sa kababaihan.
Unang araw rin ng shooting naming ngayon para sa proyekto naming maikling pelikula.
Enero 25 ’13:
Pangatlong aralin na naming ang Kinagisnang Balon. Pagkatapos mag-ulat nila Sarong at Sto.Dominggo ay nagkaroon kami ng talakayan tungkol dito at may sinagutan kami sa aming kwaderno.
Enero 26 ’12:  
Naglaba ako ng uniporme ngayon pagkatapos ay naglinis ng bahay. Parating kasi si papa kaya pinalinis kami ng bahay. Sa gabi ay lumabas kaming magpapamilya.
Enero 27 ’12
Sila mama ay nagsimba at kami lang ni papa ang natira sa bahay. Wala ako ginawa maghapon kaya nanood Lang ako at nagteks-teks.
Enero 28 ’12: Lunes na naman kaya maaga ako gumising. Kumpleto ang mgs guro kaya tuloy-tuloy ang diskusyon sa bawat asignatura. Nagcomputer muna ako bago umuwi ng bahay.
Enero 29 ’12:
 Kahapon ay sinimulan na naming magpinta sa Canvass. Wala kasi kaming shooting dahil inuna naming gawin ‘yung SIP namin na ipapasa na sa Huwebes.Pinabasa sa amin ni Mam Mixto ang kasagutan sa papel kung anu-ano ang 3 kursong gusto namin pagdating sa kolehiyo.

Enero 30 ’12:

Tinalakay naman namin ngayon ay kung anu-ano ang dapat isalang-alang sa pagpili ng kurso. At may kaugnayan pa rin ito sa akdang Kinagisnang Balon. Umuwi na ko kaagad ng bahay pagkatapos ng klase.

Pebrero 1 ’13;
 Binigyan kami ng parents permit para sa Science Fair namin sa Peb.5. Pinagpatuloy namin ang pagtatalakay sa pelikulang Himala.
Perero 2 ’13:
Tanghali na ko nagising kasi hating gabi na ko nakatulog kagabi. Medyo masama ang pakiramdam ko ngayong araw, kaya hindi ako Pebrero 3 ’13:
Umalis sila mama at kapatid ko at naiwan kaming 3 ng bunso kong kapatid sa bahay at binantayan ko sila. Ala-sais sinindo namin sila mama sa Highway.
Pebrero 4 ’13:
Kung sa Filipino tapos na naming pag aralan ang Bibliograpi, sa English ay hindi pa. Katunayan ay ngayon pa lang naming ito sisimulang talakayin. Grupo namin ang unang nagpasa ng proyektong pelikula kay Mam kaya nabigyan kami ng 5 palakpak.
Perero 5 ’13:
Ang pasok namin ngayon ay sa Ynares, nagyon kasi ang Sci.fair. Kasama naming guro ay sina Mam San Jose, Mam Barrientos at Mam Havonillo.
Pebrero 6 ’13:
Bagong aralin na kami ngayon sa Filipino. Ang akdang binasa ni Aquino ay pinamagatang Bangkang Papel. Nagshooting kami ngayon para naman sa MTV na proyekto namin sa Values.
Pebrero 7 ’13:
Values namin kasi Hwebes ngayon. May pinasagutan sa amin si Mam Tayamora pagkatapos ay pinasa naming an gamin kwaderno. Samantala sa Filipino ay pinagpataloy naming ang pagtatalakay sa Bangkang Papel at nagkaroon kami ng pangkatang  gawain.
Pebrero 8 ’13:
Tatlong grupo na ang nakapgpasa ng CD kay Mam Mixto at pangkat 4 na lang ang hindi nagpapasa. Wala si Mam San Jose dahil MTAP nila Flaviano at Romero ngayon.
Pebrero 9 ’13:
Ang dami naming labahan kaya maghapon kaming nagwashing ni mama. Hindi natuloy ang pag-eensayo namin para sa Values kaya hindi ko mababati sa personal si Kuya Badion kaarawan niya kasi ngayon.
Pebrero 10 ’13:
Ang gianawa ko lang ngayon ay magpinta sa Canvass at manuod ng TV. Sa hapon ay nagplantsa ng mga blusa at si mama ang sa palda.
Pebrero 11   ’13:
Lampas na ng 6:00 ako dumating sa paaralan. Ngunit wala pa rin si Mam San Jose pagdating ko. Wala ngayong araw si Mam Mixto. Hindi muna ako umuwi ng bahay dahil sinama ako mamalengke ni mama sa Antipolo.
Pebrero 12 ‘13:
Ngayon namin ginamit ang makulay na papel na pinadala sa amin ni Mam Mixto. Ang gawaing ito ay patungkolpa rin sa akda. Gamit ang makulay na papel sumulat kami ng mensahe tungkol sa mga hinaing at kaganapang nangyayari sa ating paligid.
Pebrero 13 ’13:
Matapos ang pagtalakay sa akda, kami naman ngayon ay dumako sa panibagong aralin at ito ay tungkol sa rebyu. Binigyan kami ng takdang aralin ukol ditona kung saan ay panonoorin naming ang MMK sa Sabado at bibigyan ito ng rebyu. Binigyan kamin ng Mahbang Pagsusulit sa AP. ni mama maglaba ng mga uniporme namin.

Pebrero 14 ;13:
Valentine’s Day pero parang ordinaryong araw lang ito para sa akin. Maghapon lang akong nasa bahay kasi wala kaming pasok ngayon sapagkat ginamit ang silid aralan namin ng mga gurong magtatama ng mga  papel ng 4th Year na kumuha ng exam.
Pebrero 15 ’13:
Nakakasawa din ang walang ginagawa kaya naman naglaba na lang ako ng iilang mga damit namin. Pagkatapos ay natulog ako at kanina ay nagbantay sa kapatid kong bunso dahil umalis si mama.
Pebrero 16 ’13:
Pagkatapos kong magsampay ng mga nilabhang damit na hindi natuyo kahapon ay nagpaalam ako kay mama na pupunta ako sa bahay nila Cagas dahil ngayon kami mag-eensayo para sa MTV sa Values. Pero dahil sa kaunti lang ang nagsipuntahan ay pumunta na lang ako kila Fatima.
Pebrero 17 ’13:
Habang nagsisimba sila mama’t mga kapatid ko ay siya naming abala k sa pagpipinta para sa TLE. Sumunod ay ginawa ko ang mga iba ko pang takdang aralin at inayos ko na mga gamit ko sa bag.
Pebrero 18’13:
Hindi muna pinapasa ni Mam Mixto ang ginawang rebyu sa pinanood naming MMK no’ng Sabado at ang pinapasa pa lang niya ay ang panayam na ginawa namin noong Myerkulis. Kasabay ko muli sa pag-uwi si Cagas.
Pebrero 19 ‘13:
Bumunot si Mam ng magbabasa ng kanilang ginawang rebyu sa harapan. Sumunod ay pinanood sa amin ang maikling pelikulang ginawa ng ibat-ibang pangkat at inutosang gawan muli ng rebyu.
Pebrero 20’13:
Pinanood sa amin ni Mam ang natitirang pelikula at dinagdagan pa niya ng isang komersyal ng mga Thai.
Bali apat na ang gagawan namin ng rebyu. Pag-uwi ng bahay ay agad akong naghanap ng mga halamang gamot na pinapadala naman sa amin ni Mam Nacolangga.
Pebrero 21 ’13:
Nagkaroon kami ng recitation sa MAPEH at isa ako sa natawag kaya pumunta ako sa harap at ipinaliwanag ang halamang gamot na dala ko.
Nagkaroon kami ng pangkatan sa TLE ngayon.
Pebrero 22 ’13:
PE namin ngayon sa MAPEH kaya pinalabas kami ng silid at isinagawa namin ng pangkatan ang ibat-ibang uri ng exercise. Sa Filipino naman ay dumako na kami sa Noli Me Tangere.
Pebrero 23 ’13:
Sabado ngayon araw ng paglilinis sa bahay at tumulong ako sa paglaba kay mama. At ginugol ko na ibang oras sa pagtulog at panonood.
Pebrero 24 ’13:
Hindi ako nagsimba ngayon kaya naiwan na naman ako sa bahay, para hindi masayang ang oras ay nagsulat ako ng mga diskusyon sa AP.
Pebrero 25 ’13:
Wala kamong pasok ngayon kasi ipinagdiriwang ang 27th Edsa Revolution. Naglinis kami ng bahay at inayos an gaming damitan.
Pebrero 26 ’13:
Masama ang pakiramdam ko ngayon kaya umuwi kaagad ako. Pero nagpaalam muna ako kay Mam Tayamora na hindi muna ako ngayon makakapunta para sa panayam.
Pagdating sa bahay ay kumain ako at uminom na kaagad ng gamot.
Pebrero 27 ’13:
Hindi pa gaanong maayaos ang pakiramdam ko pero pumasok pa rin ako dahil ngayon ang kampanya naming para sa susunod na SSG Officers.
S a wakas na tapos na rin ang panayam ko kay Mam Tayamora.
Pebrero 28 ’13:
Values namin kanina at pinasa namin ang aming portpolyo kay Mam. Nagkaroon kami ng dalawang pagsasanay sa Filipino. Kasabay ko muli sa pag-uwi si Cagas.
Marso 1 ’13:
Noli Me Tangere pa rin ang paksa naming sa Filipino. Maaga kaming umuwi dahil wala ng pag-eensayong gagawi n dahil tapos na rin naman ang MTV.
Marso 2 ’13:
Umalis kami ni mama ngayon dahil pumunta kami sa bahay ng tita ko. Gabi na ng kami ay nakauwi at nanood muna ako bago natulog.
Marso 3 ’13:
Sila-sila ulit ang nagsimba kanina ako ay bantay lang ulit ng bahay. Pagdating nila ay ako naman ang umalis at pumunta ako sa Antipolo kasama ang kaibigan ko.
Marso 4 ’13:
 Erehe at Filibusterismo ang tinalakay namin kanina sa Filipino. Habang sa Chemistry naman ay pinasa ay pinasa ang aming kwaderno at nagkaroon kami ng Long Quiz.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento