Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo't paulo'y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali't tandaan
na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya'y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!
REPLEKSYON
Sa pagtalakay namin ng Ang Guryon, marami kaming ginawa; pangkatan, takdang aralin at pagsusulit.
TAKDANG ARALIN:
Gumuhit kami ng isang larawang nagsisimbolo ng pagkakatao nmin ngayon.
Nilista nmin ang pagbabagong pandamdamin at pangkaisipan matapos basahin ang Ang guryon.
PANGKATAN:
2 beses kaming nagpangkatan.
PAGSUSULIT:
Hanggang 10 ang pagsusulit namin at ito ang kauna unahang pagsusulit para sa IKALAWANG MARKAHAN.
Gumawa kami ng isang tula bilang tugon.
NATUTUNAN KO SA ANG GURYON, KUNG PANO NAGING MALAPIT ANG AMA SA ANAK NYA.KAHIT BATA PA LANG ANAK 'YONG ANAK AY HINAHANDA NA NYA 'TO PARA SA MAAARING HARAPIN NYA BUKAS.HINDI NAPAPAGOD NA MAGPAALAALA NA KUNG SAAN DAPAT NATIN TONG SUNDIN.
Pinagkuhanan:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento