Linggo, Enero 6, 2013

NOLI ME TANERE

TUNGGALIAN SA NOBELA
TAO SA TAO: ang kasawian ng isang tao ay dulot ng kanyang kapwa.
TAO SA SARILI: nilalabanan ng tao ang kanyang sarili.
TAO SA LIPUNAN: ipinakikita ang maigting na pakikibaka ng tauhan sa mga kasawiang dulot ng lipunang kanyang kinabibilangan.

Sa Noli Me Tangere ang pinag-ukulan lang namin ngayong markahan ay ang kabanatang:
KABANATA1: Isang pagtitipon
KABANATA10: Ang bayan ng San Diego
KABANATA16: Sisa
KABANATA19: Ang karanasan ng isang guro
KABANATA39: Donya Consolacion

Kaugnay sa paksang ito, pinagawa kami ni Mam ng isang panayam sa aming guro tungkol sa suliraning kinakaharap nila ngayon at pinagkaiba ng patuturo sa ngayon at sa dati




.

MABANGIS NA LUNGSOD


REPLEKSYON:
Ito ang huling akdang tinalakay namin para sa Ikatlong Marakahan.Para sa akin ito ay isang trahedya dahil ang kwento ay nagtapos ng malungkot.Si Adong kasi ay namulat ng mahirap at nkagawian na niyang mamamilos sa labas ng simbahan.Isang araw siya ay tumakas sa paninikil ni Bruno ngunit siya ay nahuli nito at namatay dahil sa pangbubugbog na ginawa ni Bruno sa kanya.

SA PULA, SA PUTI


REPLEKSYON:
Ito ay isang dula at mula sa pamagat nito ay makikita na ang kwento nito ay patungkol sa pagsasabong.Masamang bisyo ang pagsasabong at mahirap na itong maiwasan o basta-bastang kalimutan.Katulad ng tauhan sa akda, saka lamang siya tumigil ng maloko at matalo silang mag-asawa.Si Kulas kasi ay nagsabong isang araw sa kalabang manok sapagkat ito ang turo sa kanya ng kanyang kaibigang sabungero rin ganun din ang kanyang asawa kaya ng manalo ang manok ni Kulas ay kapwa sila natalo at mula noon ay hindi na muli nagsabong pa si Kulas.
TEORYANG NATURALISMO:
Nakatuon sa pag-aaral ng kalikasan ng tao, kilos at kung paano nag-iisip ayon sa batas ng kalikasan.Pinag-aralan din ang nangingibabaw na tema na pagtatanggol sa sarili.

BANAAG AT SIKAT:


REPLEKSYON:
Ang Banaag at Sikat ay isang nobela.Ang nabasa ko ay buod na pero sa totoo hindi ko siya agad naunawaan.Ito ay may patungkol sa paglalaban sa pagitan ng mayaman ay mahirap.Hindi porket mayaman ka ay pagbabawalan mo ng mag-asawa ng mahirap ang iyong anak.Dapat bigyang kalayaan ang mga anak na pumili ng kanilang mapapangasawa.
2 KAISIPAN O PINAPAKSA ng NOBELA:
Ang Sosyalismo ay tumutukoy sa malawak na sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunan organisasyon na nagtataguyod sa estado o sa sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa paggawa at pamamahagi ng mga kagamitan, at ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas oigualitaryang pamamaraan ng pasahod.
Ang Anarkismo ay isang teoriya o panukalang nagsasabing masama ang lahat ng pamahalaan. Tinatawag na mga anarkista ang taong naniniwala sa o nagtataguyod ng anarkismo

KALUPI


REPLEKSYON:
Ito ang akdang nakaatas sa amin na dapat naming isadula upang madaling maunwaan.Ang masamang ugaling makikita sa akda ay ang pagiging mapanghusga.Huwag itong gayahin  dahil sa simpleng panghuhusaga ay maaari tayong makapatay gaya sa naranasan ni Aling Marta na ginawa niya sa inosenteng  si Andress.
TEORYANG PORMALISMO:
Nilalayon ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo o istruktura ng akda.Sinusuri nito ang nilalaman, kaanyuan/kayarian ng pagkakasulat.

HUDYAT NG BAGONG KABIHASNAN






REPLEKSYON:
Ang tula ay tungkol sa mga makabagong imbensyon na nagdudulot ng mga negatibong pangyayari sa ating bansa.Natutunan ko sa tula na dapat huwag gamitin ang katalinohan sa pagmamalaki o pagmamalabis sa iba.Dahil lahat ng talino ay nagmula sa Diyos at maaari Niya itong bawiin kung gugustuhin Niya.
Nagkaroon kami ng Takdang aralin tungkol sa mga makabagong imbensyon at gumawa kami ng Slogan kaugnay dito.

Huwebes, Disyembre 20, 2012

LUHA




REPLEKSYON: 
Ang tulang ito ay patungkol sa pagsisisi  sa huli.Kung kailan siya tumanda at magkasakit doon lang niya narealize ang kanyang pagkakamali.Hindi natin ito dapat tularan, dapat tayo ay makinig sa mga payo at iotama ang mga pagkakamali habang maaga pa.
TEORYANG HUMANISMO:
Ito ay nakabatay sa damdaming namayani sa tauhan at naglalahad ng kagalingan ng isang tauhan.








































DISYEMBRE 17, 2012
Pumasok ako ng maaga kahit ako ay excuse dahil kabilang ako sa magpeperform para sa "Pamana Cultural Show" na gaganapin sa mismong paaralan ng Mambugan National High School mula ngayong araw hanggang Myerkules.Nakapakinig pa ko sa pagtuturo ni Gng,Mixto at ang pinag aralan namin ay kung ano ang Buod at paano ito gawin.
Maaga kaming pinauwi para makapag handa pa 'yung mga istudyanteng manonoud ng Cultural Show.Umuwi rin ako at bumalik ng ala-una.
Naging maganda ang unang araw namin at sumayaw ang aming punong guro, lahat ay natuwa at nag-enjoy!