Huwebes, Agosto 2, 2012

Jaguar

Oras ng labasan. Nagbu-bundy clock ang mga papalabas na mga MANGGAGAWA. Nasa tabi ng desk ng security guard ang bundy clock. Nakauniporme si POLDO, nakaupo sa gilid ng desk. May kasama syang GUWARDIYANG BABAE. Iniiksamin nilang dalawa ang mga bag ng mga trabahador. Ang mga lalaki'y kinapkapan ni Poldo. Dadaan si SONNY, may bitbit na attache case. Sasalubungin siya ni Poldo. Itataas ni Poldo ang palad sa harap ng mga nakapilang manggagawa, parang pulis na nagpapatigil ng trapik. Ang ekspresyon sa mukha ni Poldo ay parang nagsasabing: relaks lang muna kayo riyan; boss ito at dapat unahin. Uunahan ni Poldo si Sonny. Ipagbubukas ito ng salaming pinto. 
EXT. GASTON PUBLISHING HAPON
Susunod si POLDO hanggang sa kotse ni SONNY. Bubuksan ni Sonny ang pinto ng kanyang kotse. Hahawakan ni Poldo ang pinto habang pumapasok si Sonny. Saka sasarhan ang pinto matapos makaayos ng upo si Sonny. 

POLDO: Sir, sa Linggo, ha? Baka nyo makalimutan. 
SONNY: Ano'ng sa Linggo? 
POLDO: Yung piyesta sa'min. 
SONNY: Piyesta..a, oo. Hindi ko makakalimutan 'yan. 

Sasaludo uli si Poldo. Tatakbo patungo sa labasan ng driveway. Pasenyas- senyas at pasilba-silbato, pahihintuin niya ang trapik sa kalsada para makalabas ang kotse ni Sonny. 

EXT. SLUM AREA 1. TANGHALI
Piyesta sa komunidad. May kaunting banderitas na nakasabit. Sa harapan at lob ng mga bahay- bahay, MARAMING nagkakainan, nag-iinuman, at nagkakaingayan. 
EXT. BAHAY NINA POLDO. TANGHALI 
Nakatayo si POLDO sa harap, may inaabangan at mukhang inip na inip. Bihis na bihis siya. May hawak na bote ng beeer at kakaunti na ang laman. Sa background, MAY MATANDANG MAG- ASAWA AT DALAWANG APONG nakaupo sa dalawang mahabanh bangko kumakain. Kinakausap ng TIYUHIN ang matandang lalaki. Ang tiyahin ni Poldo at si MARISSA ay may dalang nga bandehado ng mga ulam at nag-aalok ng mga bisita na kumuha pa. Tinutukso-tukso ni totoy ang dalawang apo- kinakalabit ang batok, pinipitik ang tenga. Nasa isang tabi ang mesitang ginagamit ng tiyuhin sa trabaho. Malinis ito ngayon, walang nakapatong na mga kagamitan ng sapaterya. Sa tabi nito, may mahabang dram na natatakpan ng sako. Uubusin ni Poldo ang laman ng hawak na bote. Lalapitan ang mahabang dram. Ititindig ang basyo sa tabi ng dram. Hahawiin ang saka. Ang laman ng dram ay mga bote ng serbesa at malalaking tipak ng yelo. Kukuha si Poldo ng isang malamig na bote. Bubuksan niya ang bote sa pamamagitan ng ngipin. Iluluwa ang tansan. Tututungga siya. Habang ginagawa ito ni Poldo. Sa background ay makikitang lumalabas sa pinto ng bahay ang kapatid niyang si AIDA, kasama ang isang pulutong ng mga kaklase. Maingay at masaya, nagpapaalam kay Aida ang mga kaklase. Papasok sa bahay si Poldo, kasunod si Marissa. 
INT. BAHAY NI POLDO. TANGHALI 
Sa mesa ng komedor-kusina, nakalatag ang maraming pang ibang bandehado ng pagkain, puro may takip na wax paper. Nasa banggerahan si ALING ELENA, naghuhugas ng pinggan. 

ALING ELENA : Wala pa ba ang nga bisita mo, Poldo?
POLDO : (Ngumu-nguya) Wala pa ho, e. 
MARISSA : Hindi kana siguro sisiputin no'n kuya. Class yata yong boss mo, e. Hindi 'yon ang tipong tumutuntong sa barung-barong. 
POLDO : Oy, wag ka ngang sumali sa usapan ng matatanda, ha? MARISSA : Sayang ang pinambili mo ng beer. Sana kuwatro kantos nalang ang binili mo, Tayu-tayo lang pala ang iinom. 
POLDO : Ako ba'y talagang niloloko mo? 
ALING ELENA: Poldo, kumain kana. Pasado ala-una na, baka ka malipasan. Tapos na kaming lahat. 
POLDO : Kumakain na nga ho. Ano pa ba 'tong ginagawa ko? ALING ELENA : Ba't hindi ka kumuha bg pinggan at umupo nang maayos? Maiimpatso ka niyan sa ginagawa mo. Tamo, ni hindi ka nagkakakain. Ang dami naming kanin diyan. 
Nagsasalita pa si Aling Elena ay maririnig na ang boses ng TIYUHIN mula sa labas. 

TIYUHIN : (Voice over) Poldo! Mga bisita mo! Eto na! (sa mas mahinang boses) Tuloy na ho kayo, nasa loob ho si Poldo. Aida samahan mo ang mga bisita ng kuya mo. 
Mabilis na isusubo ni Poldo ang kapirasong ulam na hawak niya. Ipapahid ang daliri sa gilid ng mantel. Lakad-takbong pupuntahan ang pinto. Hustong pumapasok naman si Aida, kasunod sina SONNY, DIREK, CRISTY, EDMON, JING at BOSYO. Si Sonny ay may hawak na bote ng stateside whisky. 

POLDO : Tuloy kayo, tuloy. Akala ko hihiyain n'yo ko e. SONNY : (inaabot ang bote ng whisky kay Poldo) Pwede ba 'yon? Eto nga't may pasalubong pa ako. 
POLDO :' Nay mga….kaibigan ko…Boss ko ho, si…a…si Sonny. ALING ELENA : Magandang tanghali po. 
SONNY: Magandang tanghali po naman. 
ALING ELENA :O, Poldo, bigyan mo ng mga pinggan yang mga bisita mo. Aida, Marissa, tumulong muna kayo rito. 'Yong mga napkin, ilabas niyo. 

Habang kumukuha ng mga pagkain sina Sonny, abalang-abala si Poldo sa pag-iistima sa kanila. Excited sya, tuwang-tuwa. Si Cristy ay walang ekspresyon sa mukha, parang napilitan lang sa pagkakapunta rito. Si Sonny naman ay parang pulitikong nasa kanyang balwarte. 


POLDO : Itong morkon, Sonny, Direk - ito ang ispesyalidad ni inay. Cristy, kuha lang, ha? Jing, Edmon, abot lang. Bosyo. 
SONNY : O, Cristy, tikman mo raw 'tong morkon. Ikaw Poldo, huwag kang mahihiya,ha? Feel at home. 

EXT. BAHAY NINA POLDO. HAPON.
Malakas ang tawanan, parang karugtong ng tawanan sa nagdaang sequence (Eksena). Nagtawanan ang mga LALAKING BISITA ni Poldo. Lasing na ang lahat. Nakaupo sila sa magkaharap na bangko. Nasa gitna nila ang mesita ng sapatero. Nasa ibabaw nito ang bote ng beer; isang mangkok na na may lamang halos tunaw nang yelo; isang bandehadong pulutan. Nakatayo si Poldo sa may likuran ni Sonny, parang anghel de la guwardiya. Sa background, makikitang nakabukod si Cristy, kinukwentahan at iniistima ng husto ng Ina at mga kapatid ni Poldo. Nakikinig lang si Cristy. 

DIREK : (Iaabot kay Poldo ang mangkok)Wala na tayong yelo, Jaguar. 

Sa mababang dram, magtitipak ng yelo. Ibinubuhos ni Direk ang natitirang laman ng whisky sa baso niya. Umiihi si Bosyo sa isang sulok. Kumakanta si Sonny - wala sya sa tono. 

SONNY : " Si Bosyo kung umihi, sumasagitsut pa nang konti.." 

Hagalpakan na naman ng tawa. Bigla, makakarinig sila ng mga
hiyawan at pagkaingay sa di kalayuan. Mapapatingin ang lahat sa pinagmulan ng ingay. )


POV (point of view) NINA POLDO DALAWANG MATON nagmumurahan, naggigirian pormang magkakatirahan. Nakapaligid ang iba pang tambay at maton, nagmimiron, nanunulsullsol. Puro lasing ang mga ito. BALIK KINA POLDO Nakatingin pa rin ang lahat. Nakatayo na si Sonny. 

SONNY : Ano 'yon? 
POLDO : Wala 'yan. Talagang ganito dito kung piyesta- hindi nawawalan ng gulo. 

BALIK SA MGA MATON Biglang susugod ang ang isang MATON. Magkakasutunkan na ang dalawa. Titilapon si TAMBAY 1 sa hanay ng mga KABARKADA ng kalaban niya. Magsusuguran na rin ang mga barkada ni Tambay 1. BALIK KINA POLDO. Nakatayo na rin si Direk sa tabi ni Sonny.. 

SONNY : Labu-labo na brod. 
DIREK : Oo nga, brod. 

Magkakatinginan ang dalawa. Magtatawanan. Takang mapapatingin si Poldo sa kanila. Itataas nina Sonny at Direk ang kanilang mga baso, pagpipingkiin ang mga ito sa isang toast, at uubusin ang laman sa isang tungga. Pagkatapos, parang iidiyan na hihiyaw ang dalawa-"Yahoo!"- at mabilis na tatakbo papunta sa gulo. Saglit na mapapanganga si Poldo. Saka magmamadaling iiling-iling pa na para bang sinasabi sa sariling: eto na naman po kami. Patuloy lang sa pag-inom sina Edmon at Jing, parang walang napapansing kakaiba. Takot at nininerbiyos si Cristy. 

CRISTY : Sira-ulo talaga ang mga 'yon. 
JING :Magpapawis lang ang mga 'yon. Mag-aalis lang ng lasing. 
EDMON :'Yan ang katuwaan ng frat nila - rumble
CRISTY : Walang frat- frat dito. Baka sila malagyan ng gripo sa tagiliran. 

Sa labu-labo, nakaawa pa sina Sonny at Direk habang nakikipagsuntukan at nakikipagbalibagan. Sinundan-sundan ni Poldo si Sonny. Seryoso si Poldo. Bahagi ito ng trabaho niyang ipagtanggol ang kanyang amo. Sa kasusunod ni Poldo, masusuntok sya ng kalaban ni Sonny. Matatawa si Sonny sa nangyari. Bibirahin ni Poldo ang nakasuntok sa kanya. Titilapon ito. Magpa-flying kick si Direk. Makakailag ang tinatarget nya. Sa halip, si Poldo ang tatamaan. Iilandang ito, babalandra sa isang tabi. Grogi at nakasalampak sa putikan, may biglang maaalalasi Poldo. Ilalabas nya ang silbato sa bulsa. Sisibato siya ng malakas at sunud-sunod. May mga sisigaw ng "Parak! Parak! Magpupulasan ang mga naglalabu-labo. Maiiwan sina Sonny, Direk at Bosyo. Pagtatawanan nila si Poldo sa kinalalagyan niya. Mapapaangil na rin si Poldo. 

INT. BAHAY NINA POLDO. GABI
Nasa harap ng salamin si Poldo. Naglalagay ng merthiolate sa mga pasa-pasa sa mukha. Titestingin niya kung matatag pa rin ang panga niya. Sa bangerahan, naghuhugas, naghuhugas ng pinggan sina AIDA at MARISSA. Nakahiga sa sahig si Totoy, tulog. 

MARISSA:Kuya, tulungan mo naman kami dito. 
POLDO: Kayo ang babae, kayo ang maghugas. 
AIDA : Bisita mo ang gumamit nito a! Habang nagaganap ang pag- uusap na ito, papasok si aling Elena. Bubuhatin niya si Totoy at panunuorin si Poldo. 
ALING ELENA : Bakit naman ganun yung mga bisita mo, Poldo? Naturingan pa namang may pinag-aralan e nakikihalo sa may gulo ng me gulo? POLDO : Nakainom lang ho 'yon. 
ALING ELENA : At bakit pati naman ikaw e nagsasasali? Mga tagarito pa sa'tin ang inaway mo. 
POLDO : Amo ko ho 'yong napalaban, Inay, kelangan e damayan ko. Trabaho ko ho 'yon. 
ALING ELENA : Aba'y trabaho na pala ang basag-ulo? Kung ganyan rin lang, mabuti pa e maghanap ka na ng ibang trabaho. 

Tatalikod sa salamin si Poldo at haharapin ang ina. 

POLDO : Inay, hindi ko ho ipagpapalit itong trabaho ko ngayon. Palagay ko ho, narito ang asenso ko. Ngayon pa lang swerte na ako. ALING ELENA : Suwerte? 
POLDO : (tuloy-tuloy lang, parang walang narinig) Biro nyo may amo akong ang turing sa akin e kaibigan. May kaya 'yan, may tinapos. Ako hanggang hayskul lang, mahirap pa sa daga. Pero ang tingin sa'kin, pantay lang.parang kapatid. 
MARISSA : Kapatid ba 'yong lagay na 'yon? Ang tingin ko inaatsoy-atsoy ka ke,e. Saglit na matititigilan si Poldo. Pagkatapos ay babaling sa kapatid na nanlilisik ang mga mata. 
POLDO : ( NAGPIPIGIL NG GALIT) Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong huwag kang makikihalo sa usapan ng matatanda.

Luha ng Buwaya


Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila'y lagging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa. 

Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.

Sabado, Hulyo 7, 2012

Ang kuwento ni mabuti ni Genoveva Edroza-Matute:

Ang kuwento ni mabuti ni Genoveva Edroza-Matute: 
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo. at sa kanyang buhay. Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya. Siya'y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang mga pumalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. 

Sa isang paraangalirip, iyon ay nagging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay. "Mabuti," ang sasabihin niya," ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo nsa bahaging to Mabuti Mabuti!" Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anuman kung di lamang nahuli niya akonginsangt lumuluha nang hapong iyon'y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin. Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan,pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan. "Mabuti't may tao pala rito," wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. "Tila may suliranin mabuti sana kung makakatulong ako." Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan, ay ibinilang kong kahihiyan at kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan. "Hindi ko alam na may tao rito"..naparito ako upang umiyak din." Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo'y siyang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit siya'y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya'y tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nng bigla kong makaalala. "Siyanga pala, Ma'am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta niyo sa sulok na iyon na…iniiyakan ko?" Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; "ang sulok na iyon na . . . iniiyakan natin. . . nating dalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig:"sanay'y masabi ko sa iyo, ngunit ang suliranin. .kailanman. Ang ibig kong sabihin ay . . maging higit na mabuti sana sa iyo ang. . .buhay." Si Mabuti'y nagging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglkalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. "Iniiyakan natin," ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo'y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kuing nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong. . .aming dalawa. At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinsabi. Ngunit, sa tuwina, kasyahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno nya ng maririkit na guni-guni an gaming isipan at ng mga tunog ang aming mga pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. 


Bawat aralin naming sa panitikan ay nagging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at ako'y humanga. Wala iyon bdoon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi nagging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na kiaraniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buonmg panahon ng pag-aaral naming sa kanya, Ngunit bumabanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak.. .nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya'y hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki ng mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon niyang baka siya ay hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang sa mga bagay na "pinagtitiisang" pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit niyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa man ay nabubuo na sa akingt isipan ang isang hinala. 

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya'y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon niya'y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak at isang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: "Gaya ng kanyang ama!" Narinig n gaming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya'y nagsalita. "Oo, gaya ng kanyang ama," ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Matitiyak ko noong may isang bagau ngang mali siya sa buhay niya. Mali siya nang ganoon na lamang. 


At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang pusoko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, "Oo, gaya ng kanyang ama," habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimtan kailanman. Tiningnan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang pagngionig ng mga labi at sinabi ang ganito: "Mabuti.. mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalkungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahn. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin" Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mgan lihim na kalungkutan ay nakakilala ng mga lihim na kaligayahan. At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng mukha niya,muli niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang kariktan ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay. At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng mbatang iyon marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.

Buod:Moses, Moses ni Rogelio R. Sicat


Buod:Moses, Moses ni Rogelio R. Sicat 

Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang tungkol sa
nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida
ngayo'y hindi pa rin makapasok sa paaralan dahil siya'y na-trauma at wala
siyang maiharap na mukha sa kanyang mga kaklase. Kaya't kumuha ng
leave si Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya si Aida.
Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasama ang isang
Konsehal. Naparoon sila upang humungi ng dispensa sa nagawa ng anak
ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang pagsampa
sa kaso. Ngunit hindi pumayag si Regina dahil akala niya'y hustisya ang
mananaig.
Ng umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina. Gusto
ni Tony na i-urong na ang pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon,
ang hustisya ay hindi na nananaig. Ang malakas, makapangyarihan, at
mayaman na ang hustisya, sila ang lagging mananaig. Ang nias na laman
ni Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga.
Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang ama. Nang namatay kasi
ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan parin ni Regina na
itutuloy niya ang pagsampa ng kaso.
Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumping nanaman
si aida, kailangna ni Aida ng tranquilizer upang siya'y kumalma. Kaya't
nagpabili ng gamut si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony, nasi ni
Regina kay Ana na malaki na ang pinagbagi ni Tony. Biglang dumating si
Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si Tony. Tumugon si Regina. At
inamin ni Ben sa ina na may dlaang baril si Tony dahil binabalak niyang
patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag itong
ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.
Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at
naghahanap ng gamut ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut at ito'y
nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni
Tony. Nang matanong ni Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil
hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng umaga. Sinabi ni aida na
hindi siya makatulog, kaya't tinimplahan siya ni Regina ng gatas.
Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainow daw ng
mga lagad ng anak ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit
anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay patulor parin pinapainow ng
lason si Tony, ang masaklpa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang
laosn. Takot na takot na kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip.
Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang
umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si
Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde,
ngayo'y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw
ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali
ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isa ng mamamatay-tao.
Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag silang umalis dahil susuko si
Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya ng baril si Tony
ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga pulis si Tony.
Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi
sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina so Tony. At dinakip ng mga
pulis si Regina dahil sa kasalanan niya. .

Ang Pag-ibig (Sanaysay ni Emilio Jacinto)





Ang Pag-ibig (Sanaysay ni Emilio Jacinto)



Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig. Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang Maykapal, at ang kapwa-tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig; siya lamang makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig ang tunay na siyang may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman.

Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at kara-karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis.

Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaaakay sa tao sa mga dakilang gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawahan.

Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag-aanyo ring pag-ibig kung minsan, at kung magkagayon na ay libu-libong mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng gapatak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa mandin ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig.

Ang pag-ibig – wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matatamis na alaala sa nagdaan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig ay siyang nagiging dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay.

Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang magiging alalay at tungkod ng katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag-aakay at makaaaliw sa kanyang kahinaan.

Ang pagkahabag sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo’y mahikayat na sila’y bahaginan ng kaunting kaluwagan ang ating pagtatanggol sa naapi hanggang sa isapanganib at idamay natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin kaya ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig?

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan. Kailanpama’t sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t bulaang karangalan.

Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at taimtim na pag-ibig!

Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng di-maihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid.

Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at binubulag ng hamak na pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalagayan. Gumagawa ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan, pagtataniman, at pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbukud-bukod ang mga mamamayan upang kung mahina na at dukha dahil sa pag-iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan.

Oh! Sino ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?

Ang pagkakaisa na siyang kauna-unahang bunga niya ay isang lakas at kabuhuyan, at kung nagkakaisa na’t nag-iibigan, ang lalong malalaking hirap ay nagiging maagang pasanin, at ang munting ligaya’y matimyas na nalalasap. Kung bakit nangyari ang ganito ay hindi matatalos ng mga pusong hindi nakadarama ng tunay na pag-ibig.

At upang mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya ngang susi at mutya ng kapayapaan at ligaya. Ikaw na bumabasa nito, mapagnanakawan mo kaya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong ina’t mga kapatid? Hindi, pagkat sila’y iniibig, at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampu ng buhay kung sila’y nakikitang inaapi ng iba.

Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag-aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di-mabatang mga kapaitan.

Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magagandang akala. Ipapalagay na may tapat na nais at tatawaging marurunong ang mabuting magparaan upang matamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid.

Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitan sa mga hirap ng tao sa inaakalang walang katapusan. Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa, at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.

Sa Aking Mga Kabata - Jose P. Rizal


Sa Aking Mga Kabata - Jose P. Rizal
 


Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.