Biyernes, Marso 15, 2013
Talaarawan
Marso 11 ’13:
Nagkaroon kami ng pagsusulit sa Filipino. Ito ay pang
4th year na pagsusulit, pinasagutan sa amin ito upang masukat kung
gaano na kalalim ang kaalaman naming pagdating ng 4th
year.Pagkatapos ay binigyan kami ng takdang aralin na gumawa ng isang liham
para sa kaklase naming.
Ganoon din sa E.P, nagkaroon rin kami ng pagsusulit.
Marso 12 ’13:
Tinapos naming ang oras sa Filipino sa pagbabasa ng
liham na ginawa namin kahapon. Samantalang sa English ay nagturo si Sir Inahid
tungkol sa pronunciation.
Marso 13 ’13:
Nagkaroon kami ng mahabang pagsusulit sa English pati
na rin sa MAPEH.
Sa Filipino naman ay pinasulat kami ng sanaysay para
naman kay Mam Mixto, mga negatibo at pasitibong masasabi namin kay Mam sa loob
ng halos isang taong naging guro naming siya.
Marso 14 ’13:
Unang araw ng aming Ikaapat na Markahang Pagsusulit.
MAPEH, Filipino, E.P at Chemistry ang in-exam
namin ngayon.
Umuulan kanina kaya nagpatila muna kami ng ulan sa
labas ng paaralan bago umuwi.
Marso 15 ’13:
Babye DiaryL
Huling araw ng pagsusulit naming ng talaarawan sa
Filipino.
Matapos angaming pagsusulit kanina ay nagkaroon ng
maikling programa sa Filipino ato ay upang gawaran ng sertipiko ang mga
mag-aaral na may angking talento sa pag-arte. Ako ang nagdasal kanina at bago
kami umuwi ay nagkaroon muna kami ng pagpupulong kasama si Mam De Real para sa
bagong SSG Officers.
Maraming salamat Mam Mixto sa pagtuturo sa amin sa halos
isang taon. Napakagaling niyo po magturo at tama nga po ang pagiging Chairman
niyo sa Filipino. Hindi ko po makakalimutan
ang isang natural na guro at laging naka-tirintas ang ipitJSalamat po muli!
Huwebes, Marso 14, 2013
Noli Me Tangere
Ngayong huling markahan, pinag-aralan namin ang ibat-ibang teoryang nakapaloob sa Noli Me Tangere.
Kasaysayan ng isang guro- Teoryang Klasisismo
Nakapaloob dito kung gaano kahirap maging isang guro noon. Walang maayos na pasilidad at minsay napagmamalupitan pa.
Kasaysayan ng isang Ina- Teoryang Realismo
Naipakita dito ang malupit na pag-aaresto kay Sisa dahil sa kasalanang nagawa ng kanyang ina. Realismo ito dahil mayu ganitong pangyayari na nangyayari rin sa tunay na buhay.
Erehe at Filibustero- Teoryang Naturalismo
Pinaliwang ni Tenyente kung anong sinapit ng ama ni Crisostomo Ibarra bago tio mamatay. Sinasabi sa teoryang ito na natural sa tao ang manakit ng kapwa lalo na kung ito ay mahina at walang laban.
Mga Sakristan- Teoryang Eksistensyalismo
Nagpakita ng pagmamahal si Basilio sa kanyang kapatid na si Crispin sa pamamagitan ng pagtatanggol dito sa kamay ng Sakristan Mayor kahit na hindi ito nagtagumpay. Mayroong paninindigan pa rin si Basilio dahil sa pilit na pangangatwiran o pagsagot niya sa Sakristan Mayor.
Lunes, Marso 11, 2013
REBYU
Ang Rebyu ay isang pagkilatis sa binasa o pinanood na akda, layunin nitong unawain ang nilalaman ng akda para sa mambabasa o manonood.
Ang paggawa ng rebyu ay hindi pamimintas. Hindi kahinaan lamang ng akda ang inilalahad ng sumusulat ng rebyu.
Pinagawa rin kami ni Mam ng rebyu, ito ay sa palabas na MMK. At ang naging grado ko dito ay 88%
REBYU(Bahay)
"Bahay" ang naging pamagat ng serye ng MMK noong nakaraang Sabado. Ito ay pinagbidahan nila Ketchup Eusebio(Andres) at Meg Emperial(Paz). Kung hindi natin sisiyatin ng mabuti ay parang na pakalayo ng pamagat nito sa kabuuang kwento ng palabas. Mayroon ngang eksena sa sa bahay pero hindi ito gaanong ka-epektibo para magbigay ng senyales na ito ang magiging pamagat nito.
Naging maganda naman ang pagganap nila Meg at Ketchup. Napatawa, napaiyak at nalungkot ang tulad kong kabataan. Ang nakakatawang parte doon ay ang pagiging masiyahin ni Andres sa eksenang siya ay nanliligaw sa simula.
Sa kalagitnaan ng kwento ay naging malungkot na dahil sa hindi maayos na pakikitungo ni Paz kahit mag-asawa na sila ni Andres. Pero nagbago ito dahil nakuha ng pakitunguhan ng maayos ni Paz si Andres. Sa huli ay naging emosyonal lalo na iyong papaalis pa lang si Paz na hindi siya napigilan ni Andres at ng magkasakit si Andres.
Bagay itong panuorin ng mga mag-aasawa pa lang o kahit na ng mag-asawa na at ng mga kabataan ngayon. Sa mga wala pa kaming asawa matutunan nila dito na huwag maging basehan ang panlabas na anyo sa pagpili ng mapapangasawa at sa kaso ng may asawa ay dapat mahal ng bawat isa ang isat-isa at hindi dahil nagkasakit ay doon lamang ito magiging maalaga.
Linggo, Marso 10, 2013
Marso 5 '13
Ngayon ang kauna-unahang may nag-ulat sa Math. Pagbabalik tanaw lang sa ibang aralin ang ginawa namin sa ibang asignatura. Sa Filipino naman ay nasa teoryang realismo pa rin kami
Marso 6 '13
Wala kaming pasok ngayong araw kasi nagkaroon kasi ulit ng pagsusulit ang mga mag-aaral sa ikaapat ng taon at ginamit nila ang silid namin. Sa bahay lang ako maghapon, nanood at natulog.
Marso 7 '13
Si Flaviano at Raneses ang nag-ulat sa Math kanina. Bago sila nagsimula ay nagpalaro muna sila ng pinoy henyo na may kinalaman sa aralin at nag volunteer kami ni kuya Badion para magrepresenta sa aming pangkat at nahulaan ko naman ang pinahulaan nila. Ako naman ang nagbasa ng bahagi ng kabanatang " Mga Sakristan ".
Marso 8 '13
Wala si ma'am Mixto ngayon, ang pumasok lang sa amin ay si sir Mixto at may pinasulat siya sa amin. Kanina rin ay nag perform kami ng aerobics sa MAPEH. May takdang-aralin pala sa Filipino kanina.
Marso 9 '13
Tanghali na ako nagising ngayon kaya naman tanghali na rin ako nagsimulang maglaba. Pagkatapos kong manood ng ST at nakatulog ako at paggising ko ay nagpaturo ako kay mama kung paano magtorta at iyon ang uulamin namin ngayong gabi!
Marso 10 '13
Hindi ako nakapagsimba kanina kasi nagbalik-tanaw ako sa mga aralin sa lahat ng mga asignatura. Tumigil lang ako ng sandali, kumain at naligo.
Ngayon ang kauna-unahang may nag-ulat sa Math. Pagbabalik tanaw lang sa ibang aralin ang ginawa namin sa ibang asignatura. Sa Filipino naman ay nasa teoryang realismo pa rin kami
Marso 6 '13
Wala kaming pasok ngayong araw kasi nagkaroon kasi ulit ng pagsusulit ang mga mag-aaral sa ikaapat ng taon at ginamit nila ang silid namin. Sa bahay lang ako maghapon, nanood at natulog.
Marso 7 '13
Si Flaviano at Raneses ang nag-ulat sa Math kanina. Bago sila nagsimula ay nagpalaro muna sila ng pinoy henyo na may kinalaman sa aralin at nag volunteer kami ni kuya Badion para magrepresenta sa aming pangkat at nahulaan ko naman ang pinahulaan nila. Ako naman ang nagbasa ng bahagi ng kabanatang " Mga Sakristan ".
Marso 8 '13
Wala si ma'am Mixto ngayon, ang pumasok lang sa amin ay si sir Mixto at may pinasulat siya sa amin. Kanina rin ay nag perform kami ng aerobics sa MAPEH. May takdang-aralin pala sa Filipino kanina.
Marso 9 '13
Tanghali na ako nagising ngayon kaya naman tanghali na rin ako nagsimulang maglaba. Pagkatapos kong manood ng ST at nakatulog ako at paggising ko ay nagpaturo ako kay mama kung paano magtorta at iyon ang uulamin namin ngayong gabi!
Marso 10 '13
Hindi ako nakapagsimba kanina kasi nagbalik-tanaw ako sa mga aralin sa lahat ng mga asignatura. Tumigil lang ako ng sandali, kumain at naligo.
Miyerkules, Pebrero 20, 2013
Repleksyon: Bangkang papel
Ang akdang ito ay hindi lang
tungkol sa literal na paglalaro ng bangkang yari sa papel. Ito ay sumisimbolo
rin sa pangarap ng bata sa kwento. Ngunit ito ay hindi natupad, Namatay kasi
ang ama niya dahil ito ay napalaban sa mga kawal. Sa medaling salita sila ay
mga rebelled pero hindi pa ito naiintindihan ng bata.
Dahil ang mga pangyayari ay nangyayari sa
tunay na buhay ito ay nasa Teoryang Realismo.
Kung ako ang bata sa akda, mamarapatin kung
makapagbagong buhay upang hindi ko na maranasan ang maaari kong maranasan kung
ako ay isang rebelde.
REPLEKSYON: Himala
HIMALA
Kasama ang pelikulang Himala sa Aralin namin
ngayong Ikapat na Markahan. Ito ay pelikulang pinagbidahan ni Nora Aunor.
Nang binasa ko ang script ng himala akla ko
naniniwala si Elsa na may himala. Pero noong pinanood na sa amin ni Mam at pinaliwang
niya ay bigla akong naguluhan. Sa huli kasi mismong si Elsa ang nagsabing
walang himala. At ito ay naipaliwang sa Teoryang Sosyolohikal-Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang
nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin ay nagiging
salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan.
Kaya dapat iwasan nating mang-asar sa kapwa
natin!
Martes, Enero 29, 2013
TALAARAWAN
Enero
14 ’13:
Si Mam Mixto
na ang angturo sa amin ngayon. Kumpleto na ang mga guro namin sa ibat ibang
asignatura. Ang ginawa namin sa Filipino ay inulit namin ang pagtatama sa aming
markahang pagsusulit.
Enero
15 ’13:
Sinimulan na
ng mga guro ang pagtuturo para sa Ikaapat na Markahan. Pero sa Math ay ‘yun pa
rin ang aming paksa. Sa Filipino naman ay binasa na namin ang akdang Ang
Pamana- isang tulang pandamdamin.
Enero
16 ’13:
Nagkaroon
kami ng unang pangkatang gawain ngayon sa Filipino. At ang napuntang gawain sa
amin ay gumuhit ng naglalarawan sa kabuuang kaisipan ng akda at ang ginuhit
namin ay basag na bumbilya at malungkot na mukha sa loob.
Enero
17 ’13:
Hindi ako
nakapabreak kanina dahil tinapos ko ‘yung
card na pinapagawa sa amin ni Mam. Naglalaman ito ng saloobin/gusto naming
sabihin sa aming mga magulang matapos naming matalakay ang akda.
Bago ako umuwi
ay nagcomputer muna ako. Ginawa ko
kasi ang takdang aralin ko sa English.
Enero
18 ’13:
Wala si Mam
San Jose ngayon kasi laban nila para sa MTAP. Nagbago-bago ang schedule gayunpaman nagkaroon pa rin
kami ng magandang talakayan sa ibang asignatura. Sa Filipino ay gumawa kami ng
tig-iisang saknong para sa pangkatan namin at isusulat ito sa Cartolina
Enero
19 ’13:
Hindi ko napigilang
kabahan ng umalis na si mama papuntang paaralan upang kumuha ng aming card.
Wala si mama
kaya kami ang naglaba ng uniporme namin.
Pagdating ni
mama at binalita na nya kung anong Top ko ay laking tuwa ko dahil mula Top9 ay nagging
Top3 na ko ngayon.
Enero
20 ’13:
Linggo araw
ng pahinga. Maghapon lang akong natulog at nanood. Pero ako ang naghugas ng
pinggan kanina.
Enero
21 ’13:
Sinimulan na
naming basahin ang kwentong Banyaga. Nagalit si Man dahil walang sumasagot sa
mga katanungan nya kaya nama’y binigyan nya kami ng pagsusulit.
Enero
22 ’13:
Walang
gurong absent samin ngayong araw. Sa
akdang Banyaga pa rin kami sa Filipino at nag-iwan ng takdang aralin si Mam at
ito ay alamin ang Teoryang nakapaloob sa akda.
Enero
23 ’13:
Ang sagot sa
takdang aralin naming a kahapon ay Teoryang Feminismo. Kaya naman kanina ay
tinalakay sa amin ito ni Mam at pinapadala kami ng larawan ng kababaihang
nagtagumpay.
Enero
24 ’13:
Pagkatapos
ni Man ilarawan ang mga larawan ng mga kababaihang pinaskil nya sa harapan ay
pinagawa nya kami ng isang sanaysay tungkol sa kababaihan.
Unang araw
rin ng shooting naming ngayon para sa
proyekto naming maikling pelikula.
Enero
25 ’13:
Pangatlong aralin
na naming ang Kinagisnang Balon. Pagkatapos mag-ulat nila Sarong at Sto.Dominggo
ay nagkaroon kami ng talakayan tungkol dito at may sinagutan kami sa aming
kwaderno.
Enero
26 ’12:
Naglaba ako ng uniporme ngayon pagkatapos ay naglinis ng bahay. Parating kasi si papa kaya pinalinis kami ng bahay. Sa gabi ay lumabas kaming magpapamilya.
Naglaba ako ng uniporme ngayon pagkatapos ay naglinis ng bahay. Parating kasi si papa kaya pinalinis kami ng bahay. Sa gabi ay lumabas kaming magpapamilya.
Enero
27 ’12:
Sila mama ay nagsimba at kami lang ni papa ang natira sa bahay.
Wala ako ginawa maghapon kaya nanood Lang ako at nagteks-teks.
Enero
28 ’12: Lunes na naman kaya maaga ako gumising. Kumpleto ang mgs guro
kaya tuloy-tuloy ang diskusyon sa bawat asignatura. Nagcomputer muna ako bago
umuwi ng bahay.
Enero
29 ’12:
Kahapon ay sinimulan
na naming magpinta sa Canvass. Wala kasi kaming shooting dahil inuna naming
gawin ‘yung SIP namin na ipapasa na sa Huwebes.Pinabasa sa amin ni Mam Mixto
ang kasagutan sa papel kung anu-ano ang 3 kursong gusto namin pagdating sa
kolehiyo.
Enero
30 ’12:
Tinalakay naman namin ngayon ay kung anu-ano ang dapat
isalang-alang sa pagpili ng kurso. At may kaugnayan pa rin ito sa akdang
Kinagisnang Balon. Umuwi na ko kaagad ng bahay pagkatapos ng klase.
Pebrero
1 ’13;
Binigyan kami ng
parents permit para sa Science Fair namin sa Peb.5. Pinagpatuloy namin ang
pagtatalakay sa pelikulang Himala.
Perero
2 ’13:
Tanghali na ko nagising kasi hating gabi na ko nakatulog
kagabi. Medyo masama ang pakiramdam ko ngayong araw, kaya hindi ako Pebrero
3 ’13:
Umalis sila mama at kapatid ko at naiwan kaming 3 ng bunso
kong kapatid sa bahay at binantayan ko sila. Ala-sais sinindo namin sila mama
sa Highway.
Pebrero
4 ’13:
Kung sa Filipino tapos na naming pag aralan ang Bibliograpi,
sa English ay hindi pa. Katunayan ay ngayon pa lang naming ito sisimulang
talakayin. Grupo namin ang unang nagpasa ng proyektong pelikula kay Mam kaya
nabigyan kami ng 5 palakpak.
Perero
5 ’13:
Ang pasok namin ngayon ay sa Ynares, nagyon kasi ang
Sci.fair. Kasama naming guro ay sina Mam San Jose, Mam Barrientos at Mam
Havonillo.
Pebrero
6 ’13:
Bagong aralin na kami ngayon sa Filipino. Ang akdang binasa
ni Aquino ay pinamagatang Bangkang Papel. Nagshooting kami ngayon para naman sa
MTV na proyekto namin sa Values.
Pebrero
7 ’13:
Values namin kasi Hwebes ngayon. May pinasagutan sa amin si
Mam Tayamora pagkatapos ay pinasa naming an gamin kwaderno. Samantala sa
Filipino ay pinagpataloy naming ang pagtatalakay sa Bangkang Papel at nagkaroon
kami ng pangkatang gawain.
Pebrero
8 ’13:
Tatlong grupo na ang nakapgpasa ng CD kay Mam Mixto at
pangkat 4 na lang ang hindi nagpapasa. Wala si Mam San Jose dahil MTAP nila
Flaviano at Romero ngayon.
Pebrero
9 ’13:
Ang dami naming labahan kaya maghapon kaming nagwashing ni
mama. Hindi natuloy ang pag-eensayo namin para sa Values kaya hindi ko mababati
sa personal si Kuya Badion kaarawan niya kasi ngayon.
Pebrero
10 ’13:
Ang gianawa ko lang ngayon ay magpinta sa Canvass at manuod
ng TV. Sa hapon ay nagplantsa ng mga blusa at si mama ang sa palda.
Pebrero
11 ’13:
Lampas na ng 6:00 ako dumating sa paaralan. Ngunit wala pa
rin si Mam San Jose pagdating ko. Wala ngayong araw si Mam Mixto. Hindi muna
ako umuwi ng bahay dahil sinama ako mamalengke ni mama sa Antipolo.
Pebrero
12 ‘13:
Ngayon namin ginamit ang makulay na papel na pinadala sa
amin ni Mam Mixto. Ang gawaing ito ay patungkolpa rin sa akda. Gamit ang makulay
na papel sumulat kami ng mensahe tungkol sa mga hinaing at kaganapang nangyayari
sa ating paligid.
Pebrero
13 ’13:
Matapos ang pagtalakay sa akda, kami naman ngayon ay dumako
sa panibagong aralin at ito ay tungkol sa rebyu. Binigyan kami ng takdang
aralin ukol ditona kung saan ay panonoorin naming ang MMK sa Sabado at bibigyan
ito ng rebyu. Binigyan kamin ng Mahbang Pagsusulit sa AP. ni
mama maglaba ng mga uniporme namin.
Pebrero
14 ;13:
Valentine’s Day pero parang ordinaryong araw lang ito para
sa akin. Maghapon lang akong nasa bahay kasi wala kaming pasok ngayon sapagkat
ginamit ang silid aralan namin ng mga gurong magtatama ng mga papel ng 4th Year na kumuha ng
exam.
Pebrero
15 ’13:
Nakakasawa din ang walang ginagawa kaya naman naglaba na
lang ako ng iilang mga damit namin. Pagkatapos ay natulog ako at kanina ay nagbantay
sa kapatid kong bunso dahil umalis si mama.
Pebrero
16 ’13:
Pagkatapos kong magsampay ng mga nilabhang damit na hindi
natuyo kahapon ay nagpaalam ako kay mama na pupunta ako sa bahay nila Cagas
dahil ngayon kami mag-eensayo para sa MTV sa Values. Pero dahil sa kaunti lang
ang nagsipuntahan ay pumunta na lang ako kila Fatima.
Pebrero
17 ’13:
Habang nagsisimba sila mama’t mga kapatid ko ay siya naming abala
k sa pagpipinta para sa TLE. Sumunod ay ginawa ko ang mga iba ko pang takdang
aralin at inayos ko na mga gamit ko sa bag.
Pebrero
18’13:
Hindi muna pinapasa ni Mam Mixto ang ginawang rebyu sa pinanood
naming MMK no’ng Sabado at ang pinapasa pa lang niya ay ang panayam na ginawa namin
noong Myerkulis. Kasabay ko muli sa pag-uwi si Cagas.
Pebrero
19 ‘13:
Bumunot si Mam ng magbabasa ng kanilang ginawang rebyu sa
harapan. Sumunod ay pinanood sa amin ang maikling pelikulang ginawa ng
ibat-ibang pangkat at inutosang gawan muli ng rebyu.
Pebrero
20’13:
Pinanood sa amin ni Mam ang natitirang pelikula at dinagdagan
pa niya ng isang komersyal ng mga Thai.
Bali apat na ang gagawan namin ng rebyu. Pag-uwi ng bahay ay
agad akong naghanap ng mga halamang gamot na pinapadala naman sa amin ni Mam
Nacolangga.
Pebrero
21 ’13:
Nagkaroon kami ng recitation
sa MAPEH at isa ako sa natawag kaya pumunta ako sa harap at ipinaliwanag ang
halamang gamot na dala ko.
Nagkaroon kami ng pangkatan sa TLE ngayon.
Pebrero
22 ’13:
PE namin ngayon sa MAPEH kaya pinalabas kami ng silid at
isinagawa namin ng pangkatan ang ibat-ibang uri ng exercise. Sa Filipino naman ay dumako na kami sa Noli Me Tangere.
Pebrero
23 ’13:
Sabado ngayon araw ng paglilinis sa bahay at tumulong ako sa
paglaba kay mama. At ginugol ko na ibang oras sa pagtulog at panonood.
Pebrero
24 ’13:
Hindi ako nagsimba ngayon kaya naiwan na naman ako sa bahay,
para hindi masayang ang oras ay nagsulat ako ng mga diskusyon sa AP.
Pebrero
25 ’13:
Wala kamong pasok ngayon kasi ipinagdiriwang ang 27th
Edsa Revolution. Naglinis kami ng bahay at inayos an gaming damitan.
Pebrero
26 ’13:
Masama ang pakiramdam ko ngayon kaya umuwi kaagad ako. Pero
nagpaalam muna ako kay Mam Tayamora na hindi muna ako ngayon makakapunta para
sa panayam.
Pagdating sa bahay ay kumain ako at uminom na kaagad ng gamot.
Pebrero
27 ’13:
Hindi pa gaanong maayaos ang pakiramdam ko pero pumasok pa
rin ako dahil ngayon ang kampanya naming para sa susunod na SSG Officers.
S a wakas na tapos na rin ang panayam ko kay Mam Tayamora.
Pebrero
28 ’13:
Values namin kanina at pinasa namin ang aming portpolyo kay
Mam. Nagkaroon kami ng dalawang pagsasanay sa Filipino. Kasabay ko muli sa
pag-uwi si Cagas.
Marso
1 ’13:
Noli Me Tangere pa rin ang paksa naming sa Filipino. Maaga
kaming umuwi dahil wala ng pag-eensayong gagawi n dahil tapos na rin naman ang
MTV.
Marso
2 ’13:
Umalis kami ni mama ngayon dahil pumunta kami sa bahay ng
tita ko. Gabi na ng kami ay nakauwi at nanood muna ako bago natulog.
Marso
3 ’13:
Sila-sila ulit ang nagsimba kanina ako ay bantay lang ulit
ng bahay. Pagdating nila ay ako naman ang umalis at pumunta ako sa Antipolo
kasama ang kaibigan ko.
Marso
4 ’13:
Erehe at Filibusterismo ang tinalakay namin kanina
sa Filipino. Habang sa Chemistry naman ay pinasa ay pinasa ang aming kwaderno at nagkaroon kami ng Long Quiz.
Huwebes, Enero 24, 2013
Banyaga
BANYAGA
At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok
Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong.
"Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?"
Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana."
Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang siya.
"Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale.
Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-
"Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang. "Ang panganay sana ng Kua mo...matalino..."
"Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.
"Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka..." ayon ni Nana Ibang.
"Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba 'ko sa timpalak na 'yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?" Malinaw sa isip ang nakaraan.
Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok. "Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka?"
"Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba'y gano'n dito?" at napangiti siya. "Ang alas-tres, e, alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika..."
"Naiinip ka na ba/" agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi.
"Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din ngayon sa Maynila."
"Ano? K-kahit gabi?"
Napatawa si Fely. "Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa Maynila pa? Ilang taon ba 'kong wala sa Pilipinas? Ang totoo..."
Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina.
Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.
"Ayan naman ang kubyertos...pilak 'yan!" hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. " 'Yan ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit..."
Napatawa siya. "Kinikutsara ba naman ang alimango?"
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin.
Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya - ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan.
Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong.
"Sa kotse n," ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi:
Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang.
"Ako nga si Duardo!"
Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo.
"Bakit hindi ka rito?" tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. "May presidente ba ng samahan na ganyan?"
"A...e..." Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. 'A-alangan...na 'ata..."
Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.
"Natutuwa kami at nagpaunlak ka..." walang anu-ano'y sabi ni Duardo, "Dalawampu't dalawang taon na..."
"Huwag mo nang sasabihin ang taon!" biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa. "Tumatanda ako."
"Hindi ka nagbabago,' sabi ni Duardo. "Parang mas...mas...bata ka ngayon. Sayang...hindi ka makikita ni Menang..."
"Menang?" napaangat ang likod ni Fely.
"Kaklase natin...sa apat na grado," paliwanag ni Duardo. "Kami ang..." at napahagikhik ito. "Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...'
"Congratulations!" pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.
"Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon," patuloy ni Duardo nang hindi na siya kumibo. "Ibang-iba kaysa...noon..."
"Piho nga," patianod niya. "Hindi naman kasi 'ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa 'kong nagmamadali..."
"Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita..."
Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.
At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.
Repleksyon:
Ito ay patungkol sa babaing nagngangalang Fely na naging Banyaga sa sarili nyang bayan.
Matagal na kasi syang hindi nakakabisita sa lugar na iyon, malaki na ang pinagbago nya. Kitang-kita ito sa pananamit nya at pagsasalita. Kung ituring sya ng kanyang lola at iba pang kamag anak ay parang amo.
Maganda ang aral na nakuha ko dito. Pinatunayan na ang mga babae ay nagtatagumpay din sa buhay at sumasang ayon ako sa paniniwala nyang kung nagpadala sya sa iyakan ng kanyang mga magulang ay hindi sya makakapagtapos at makakapunta sa Amerika.Kung may gusto tayong marating ay dapat magsakripisyo at huwag magpadala sa ating emosyon.
Ang Pamana
ANG PAMANA
Minsan ang ina ko’y nakita kong namamanglaw,
naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan,
Nakita ko ang maraming taon noong kahirapan
Sa guhit ng kanyang pisnging lumalalim araw-araw,
Nakita kong ang ina kong tila mandin namamanglaw
At ang sabi itong piyano’y say’o ko ibibigay
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan
Mga silya’t aparador sa kay Tikong ibibigay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha.
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa
Subalit sa king mga mata’y may namuong mga luha
Ni hindi ko mapigilan at hindi ko masansala
Naisip ko ang ina ko, ang ina kong kaawa-awa
Tila kami ay iiwan na’t may yari ng huling nasa.
Na sa halip na magalak sa pamanang mapapala
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kawawang bata’t
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
Ang ibig ko sana Nanay, ikay aking makapiling at
Huwag ko nang makitang ika’y nalulungkot mandin
Oh ina ko, ano ba at naisipang pagahtiin ang mga
kayamanag maiiwan mo sa amin?
Wala naman yaong sagot, baka ako ay tawagin,
ni Bathala nag mabuti malaman mo ang habilin
itong piyano mga silya at salamin,
pamana ko na sa inyo mga bunsong ginigiliw.
Ngunit Inang ang sagot ko, ang lahat ng kayamanan
at kasangkapan ay hindi ko kailangan.
Aaanhin ko ang piyano kapag ika’y namatay
ni hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay.
Ang ibig ko’y ikaw inang at mabuhay ka na lamang
ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
ni hindi ka maaaring pantayan ng daigdigan,
ng lahat ng ginto rito,
pagkat ikaw o ina ko, ika’y wala pang kapantay.
Pinagkuhanan:http://thegirlbehindthepen.wordpress.com/2011/08/08/ang-pamana-ni-jose-corazon-de-jesus/
Repleksyon:
Nang mabasa ko ang tulang ito, ako ay halos maluha luha dahil sa mensahe nito. Ito ay patungkol sa anak na sobrang mahal nya ang kanyang ina, kaya ng ipinapamahagi na ng ina ang mga ipapamana sa anak ay sinabi ng anak na hindi nya kailangan ang mga yaman ang gusto nya ay makapiling nya ang ina nyang mahal.
At dito bigla kong naalala ang mga kasalanang nagawa ko sa mama ko. Kaya tama iyong pinagawa sa amin ni Mam. Pinagawa nya kami ng Card na naglalaman ng gusto naming sabihin sa aming mga magulang.
Martes, Enero 22, 2013
Takdang-aralin (larawan ng nanay)
Linggo, Enero 6, 2013
PAGBUBUOD
Ang pagbubuod ay ang pagpapaikli ng isang kwento o istorya ngunit ito ay may kimpleto at naiintindihang ibig sabihin o saloobin.
PORMULA:
2K- kaisipan + kaisahan
3M- magaan + maayos + mabisa
PORMULA:
2K- kaisipan + kaisahan
3M- magaan + maayos + mabisa
NOLI ME TANERE
TAO SA TAO: ang kasawian ng isang tao ay dulot ng kanyang kapwa.
TAO SA SARILI: nilalabanan ng tao ang kanyang sarili.
TAO SA LIPUNAN: ipinakikita ang maigting na pakikibaka ng tauhan sa mga kasawiang dulot ng lipunang kanyang kinabibilangan.
Sa Noli Me Tangere ang pinag-ukulan lang namin ngayong markahan ay ang kabanatang:
KABANATA1: Isang pagtitipon
KABANATA10: Ang bayan ng San Diego
KABANATA16: Sisa
KABANATA19: Ang karanasan ng isang guro
KABANATA39: Donya Consolacion
Kaugnay sa paksang ito, pinagawa kami ni Mam ng isang panayam sa aming guro tungkol sa suliraning kinakaharap nila ngayon at pinagkaiba ng patuturo sa ngayon at sa dati
.
.
MABANGIS NA LUNGSOD
REPLEKSYON:
Ito ang huling akdang tinalakay namin para sa Ikatlong Marakahan.Para sa akin ito ay isang trahedya dahil ang kwento ay nagtapos ng malungkot.Si Adong kasi ay namulat ng mahirap at nkagawian na niyang mamamilos sa labas ng simbahan.Isang araw siya ay tumakas sa paninikil ni Bruno ngunit siya ay nahuli nito at namatay dahil sa pangbubugbog na ginawa ni Bruno sa kanya.
SA PULA, SA PUTI
REPLEKSYON:
Ito ay isang dula at mula sa pamagat nito ay makikita na ang kwento nito ay patungkol sa pagsasabong.Masamang bisyo ang pagsasabong at mahirap na itong maiwasan o basta-bastang kalimutan.Katulad ng tauhan sa akda, saka lamang siya tumigil ng maloko at matalo silang mag-asawa.Si Kulas kasi ay nagsabong isang araw sa kalabang manok sapagkat ito ang turo sa kanya ng kanyang kaibigang sabungero rin ganun din ang kanyang asawa kaya ng manalo ang manok ni Kulas ay kapwa sila natalo at mula noon ay hindi na muli nagsabong pa si Kulas.
TEORYANG NATURALISMO:
Nakatuon sa pag-aaral ng kalikasan ng tao, kilos at kung paano nag-iisip ayon sa batas ng kalikasan.Pinag-aralan din ang nangingibabaw na tema na pagtatanggol sa sarili.
BANAAG AT SIKAT:
REPLEKSYON:
Ang Banaag at Sikat ay isang nobela.Ang nabasa ko ay buod na pero sa totoo hindi ko siya agad naunawaan.Ito ay may patungkol sa paglalaban sa pagitan ng mayaman ay mahirap.Hindi porket mayaman ka ay pagbabawalan mo ng mag-asawa ng mahirap ang iyong anak.Dapat bigyang kalayaan ang mga anak na pumili ng kanilang mapapangasawa.
2 KAISIPAN O PINAPAKSA ng NOBELA:
Ang Sosyalismo ay tumutukoy sa malawak na sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunan organisasyon na nagtataguyod sa estado o sa sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa paggawa at pamamahagi ng mga kagamitan, at ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas oigualitaryang pamamaraan ng pasahod.
Ang Anarkismo ay isang teoriya o panukalang nagsasabing masama ang lahat ng pamahalaan. Tinatawag na mga anarkista ang taong naniniwala sa o nagtataguyod ng anarkismo