Miyerkules, Pebrero 20, 2013

Repleksyon: Bangkang papel



Bangkang Papel
 Ang akdang ito ay hindi lang tungkol sa literal na paglalaro ng bangkang yari sa papel. Ito ay sumisimbolo rin sa pangarap ng bata sa kwento. Ngunit ito ay hindi natupad, Namatay kasi ang ama niya dahil ito ay napalaban sa mga kawal. Sa medaling salita sila ay mga rebelled pero hindi pa ito naiintindihan ng bata.
Dahil ang mga pangyayari ay nangyayari sa tunay na buhay ito ay nasa Teoryang Realismo.
Kung ako ang bata sa akda, mamarapatin kung makapagbagong buhay upang hindi ko na maranasan ang maaari kong maranasan kung ako ay isang rebelde. 

REPLEKSYON: Himala



HIMALA

 Kasama ang pelikulang Himala sa Aralin namin ngayong Ikapat na Markahan. Ito ay pelikulang pinagbidahan ni Nora Aunor.
Nang binasa ko ang script ng himala akla ko naniniwala si Elsa na may himala. Pero noong pinanood na sa amin ni Mam at pinaliwang niya ay bigla akong naguluhan. Sa huli kasi mismong si Elsa ang nagsabing walang himala. At ito ay naipaliwang sa Teoryang Sosyolohikal-Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan.
Kaya dapat iwasan nating mang-asar sa kapwa natin!