Sa pagbasa namin ng akdang Saan patungo ang Langay langayan, hindi namin kaagad naunawaan ang nilalaman nito.Bukod sa mahaba ito, napakalalim rin ng mga salita dito.Gayunpaman, dito ko natutunan ang Teoryang Humanismo-paniniwala/prisipyo ng tao.Ang akda ay patungkol sa pagkamit ng kalayaan at sinasabing ang tao ang siyang magpapalaya sa sarili niya sa kaalipinan.
Linggo, Setyembre 30, 2012
Repleksyon:SA BAGONG PARAISO
Ayon kay Gng.Mixto, ito ay isang kontrobersyal na kwento.Kaya pasok pa din dito ang Teoryanng Romantisismo pero higit na pinatutunguhan ng kwento ay ang Eksistensyalismo-lakas ng padedesisyon para sa sarili.Natutunan ko dito kung gaano makapangyarihan ang pag ibig.Dahil gaya ng sa akda, anong pilit mang pagbawalan si Cleofe na magkita sila ni Ariel gumagawa't gumagawa pa rin sila ng paraan para magkita.Kaisipang pumasok sa akin dito ay, mas gusto nilang suwayin ang magulang kapalit ng pagkikita nila.
Repleksyon:SA TABI NG DAGAT
Sa Tabi ng dagat napag aralan namin ang Teoryang Romantisimo-pagtakas sa katotohanan at higit na pinapahalagahan ang damdamin.Dito natutunan ko ang kahalagan ng paggamit ng kalikasan/kapaligiran na kung saan ang sining ay dapat malapit sa kalikasan.
Nilapatan namin ng tono ang Sa tabi ng ilog.
Nilapatan namin ng tono ang Sa tabi ng ilog.
Inawit namin ang KANLUNGAN.
Gumawa kami ng tula na gumagamit ng pagkamakalikasan.
Sabado, Setyembre 29, 2012
Repleksyon: DEKADA '70
Dekada '70 ito ay may pagkawangis sa Kahapon, ngayon at bukas.Dahil pareho itong tumutukoy sa mga pangyayari noong unang panahon.Kaya naman sa pagtalakay namin sa akdang ito, pumasok ang Teoryang Realismo- hindi dapat pigilan ang paglantad ng katotohanan .Nabuhay muli sa isipan ko ang panahon ng pamumuno ni Marcos.